Nakatakdang ipatawag bukas, Mayo 8 ni Philippine National Police o PNP Chief Director Oscar Albayalde ang dalawampung (20) pulis matapos siyang i-bash ng mga ito sa social media.
Ayon kay Albayalde, bukod sa posibleng pagkakasibak ng mga ito sa serbisyo ay maaari ring sampahan ang mga ito ng kasong “insubordination”.
Paliwanag ni Albayalde, iba ang polisiyang ipinatutupad sa loob ng PNP na boluntaryo naman nilang pinasok, kaya’t hindi nila maaaring igiit ang kanilang “freedom of speech”.
Una rito, binanggit ni Albayalde na noong siya’y umupo sa puwesto bilang PNP Chief na may mga pulis sa social media na bumatikos sa ginawa niyang sorpresang inspeksyon sa mga natutulog na pulis sa mga presinto noong siya ay hepe pa ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
—-