Patay ang 20 sibilyan matapos salakayin ng mga armadong kalalakihan ang isang minahan ng mga ginto sa Burkina Faso, West Africa.
Base sa impormasyon, mahigit 12 armadong lalaki ang sumalakay sa nasabing minahan sakay ng mga motorsiklo saka pinagbabaril ang mga biktima.
Nabatid na nito lamang nakalipas na tatlong linggo, nasa 80 indibidwal din ang pinatay sa pag-atake na isinisi naman sa mga Jihadist.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng pagsalakay ng mga armadong grupo. —sa panulat ni Angelica Doctolero