Sugatan ang 20 katao sa Turkey makaraang ang isang pagsabog sa gawing timog ng bansa.
Naganap ang pagsabog sa labas ng police headquarters sa lunsod ng Diyarbakir kasunod ng pagdakip sa 2 pinuno ng isang Kurdish Party.
Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang pagsabog.
Ilang pagsabog na ang naganap sa Turkey sa nakalipas na isa’t kalahating taon.
Ayon sa mga ulat, mga militanteng Kurdish o di kaya’y mga kasapi ng grupong Islamic State ang nasa likod ng mga iyon.
By: Avee Devierte