Mahigit 20 tonelada ng kamatis ang hinayaan na lamang mabulok ng mga magsasaka sa Tinok Ifugao.
Ayon kay Celso Biniahan, lider ng Tinok Tomato Farmers Group, marami sa kanilang pananim na kamatis ang pinabayaan na nilang mabulok at hindi na inani dahil sayang pa ang pambayad sa mga uupahan nilang mag-ani.
Matagal na anyang walang nagtutungong mga buyers sa Nueva Ecija kung saan nila ibinababa ang kanilang mga ani kaya’t kinain na rin ng kanilang lugi pati ang kanilang puhunan.
Problema namin dahil biglaan naman ito, kung wala yung COVID baka wala itong problema namin. Kami ay nananawagan sa Department of Agriculture na sana natupad yung suregate dito para naman sa mga farmers. Sa ibang lugar dito sa Cordillera ay meron na naka-release na yung kanila dito sa Ifugao wala pa,” ani Biniahan. — panayam mula sa Ratsada Balita.
Pagsasara ng mga hotels, restaurant isa sa mga dahilan ng oversupply ng mga agri products
Posibleng ang pagsasara ng mga hotels at restaurants ang isa sa mga dahilan ng oversupply ng ilang agricultural products sa bansa lalo na sa Northern Luzon.
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), nawalan ng pagbabagsakan ng kanilang produkto ang malalaking sakahan sa Northern Luzon.
Maliban dito, maaaring naiwasan rin anya ang pagkasira ng maraming agricultural products kung mayroong magandang ugnayan ang mga LGU’s at ang Department of Agriculture (DA).
Una nang tiniyak ng DA na tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka para sa marketing ng kanilang mga produkto.
Pangilinan umapela sa mga LGU na bilhin ang mga sobrang ani sa Nothern Luzon
Hinimok ni Senador Francis Pangilinan ang mga Local Government Units (LGU) na bilhin ang sobra sobrang ani ng mga magsasaka sa Northern Luzon.
Ayon kay Pangilinan, maaari naman itong magamit ng mga LGU’s sa kanilang relief operations.
Maaari anyang gamitin ang negotiated procurement sa ilalim ng sagip saka law upang hindi na maging mabusisi ang transaksyon ng LGU at mga magsasaka.
Una nang napaulat na bumagsak na sa dalawa hanggang P5 ang bentahan ng kada kilo ng kamatis dahil sa sobrang ani at walang pagbabagsakan.
Sinabi ni Pangilinan na nakahanda ang kanyang tanggapan na tulungan ang mga magsasaka at mga kooperatiba sa problema ng oversupply.
Maaari anya silang makipag ugnayan sa kanyang staff na si Allan na mako-kontak sa telephone number 09171232882.