20 volcanic earthquake ang naitala sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa volcano bulletin ng PHIVOLCS nakapagtala rin ng moderate emission ng kulay puting steam laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot ng hanggang 300 metro.
June 26 nang magbuga ang bulkang kanlaon ng sulfur dioxide na nasa average na 116 tones kada araw.
Nananatili naman sa alert level 1 ang Bulkang Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.
Ipinaalala ng PHIVOLCS sa lokal na pamahalaan na hindi pa rin uubrang makapasok sa 4 kilometer radius permanent danger zone ng nasabing bulkan.