Nakapagtala ng 20 volcanic earthquakes ang Mount Kanlaon sa nakalipas na 24- oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot na sa 151 tonnes ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan simula noong Mayo a-1 ng kasalukuyang taon.
Hindi naman nasukat ng ahensya ang taas ng pagbuga ng abo dahil sa natatakpan ito ng kaulapan.
Pahayag ng PHIVOLCS, nananatili ang Alert level 1, o mababang antas ng alerto sa Bulkang Kanlaon, bagamat bahagya itong tumaas o “slightly inflated.”
Patuloy namang ipinapa-alala ng ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone at pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.
Dagdag ng PHIVOLCS, kabilang sa mga posibleng panganib na mangyari, ay ang biglaang steam-driven o phreatic eruptions.