Nabalot ng takot ang mga manggagawa sa isang construction site sa bayan ng San Juan sa Ilocos Sur matapos mahukay ng mga ito ang mahigit 200 anti-aircraft ammunitions mula pa sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Pahayag ni Police Captain Christopher Ramat, Hepe ng San Juan Police Station, nadiskubre ng mga construction workers sa Barangay Sabangan ang mga pampasabog na may habang pitong pulgada bawat isa at hinihinalang ibinaon ng mga Hapon noong world war 2.
Nasa custody na ng Ilocos Sur Police Provincial Office ang mga antigong bala.