Mahigit 200 baboy ang namatay matapos na tamaan ng african swine fever (ASF) sa Calinan District, Davao City.
Ayon sa Department of Agriculture, nangamatay ang naturang mga baboy nito lamang nakalipas na dalawang linggo.
Samantala, 2,000 mga baboy pa na nakapaloob sa one kilometer radius ang nakatakdang isailalim sa culling para maagapan ang pagkalat ng sakit.
Dahil dito, hindi na rin pinapayagan ang paglabas ng mga produktong baboy at iba pang livestock sa nabanggit na distrito.
Unang tinamaan ng ASF sa Mindanao ang Davao Occidental dahilan para ilagay ito sa state of calamity.