Nanumpa na ang 200 bagong miyembro ng United Nationalist Alliance o UNA.
Ilan sa mga bagong miyembro ng UNA ay mga kakandidato sa lokal na posisyon sa susunod na taon.
Samantala, kinuwestyon din ni Vice President Jejomar Binay ang resulta ng SWS survey kung saan siya ay pumangatlo lamang sa mga presidentiable.
Iginiit ni Binay na hindi kapani-paniwala na mula sa pangunguna sa survey na ginawa ng Radio Mindanao Network na may 4,000 respondent ay bumagsak siya sa ikatlong puwesto sa SWS survey.
By Katrina Valle | Allan Francisco