Nanumpa ang 200 bagong Police recruits ng Police Regional Office (PRO) Bangsamoro para sa 1st Cycle Attrition Program ngayong taon.
Isinagawa ang panunumpa ng mga magiging patrolman at patrolwoman sa Grandstand ng Camp Brigadier General Salipada, Maguindanao.
Nabatid na binubuo ng 170 lalaki habang 30 babae na agad na i-turn over sa Regional Training Center Bar para sa kanilang Public Safety Basic Recruitment Course (PSBRC).
Sasailalim naman sa anim na buwang pagsasanay para maging ganap na miyembro ng Philippine National Police (PNP). —sa panulat ni Jenn Patrolla