Nakatakdang sumalang sa Apat na buwang community based drug rehabilitation program ang 200 residente sa Southern Metro Manila na umaming gumagamit ng iligal na droga.
Ang mga naturang residente ay boluntaryong lumagda para sa rehabilitation sa ilalim ng programang Sagip Bukas na inorganisa ni Senador Cynthia Villar katuwang ang pulisya, mga lokal na pamahalaan ng Las Piñas, Paranaque at Bacoor, Cavite kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno.
Kabilang sa mga nagpa rehistro sa programa ang 100 drug users mula sa Las Pinias at tig 50 mula sa Cavite at Paranaque.
Bukod sa regular lectures at physical exercises isasalang din sa ibat ibatng environmental protection activities ang mga sumukong drug users kabilang ang paglilinis ng Manila Bay at pagtatanim ng bakawan.
Magtatanim din ang mga ito ng mga gulay at maiuuwi ang kanilang mga aanihing pananim.
Sinabi ng organizers na inilunsad ang programa para matiyak na mararating ng drug users ang recovery stage at hindi na bumalik sa pagdo droga.
Ayon kay Senador Villar kailangang tapusin ng mga sumukong drug suspects ang training para makakuha ng certification na maaring ipakita para hindi maaresto o makasuhan.
By: Judith Larino