Halos 200 e-bingo stations na walang license to operate mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang ipasasara ngayong buwan.
Apat na e-bingo stations naman sa Quezon City ang isinasailalim sa surveillance sa hinalang ginagawa itong mga transaction site ng mga small-time drug trafficker at pugad ng prostitusyon.
Ayon kay PAGCOR Chief Executive Andrea Domingo, noong isang linggo ay dalawang stations ang nahuli dahil sa pagpapahintulot sa mga kabataan na maglaro habang ang iba ay iniimbestigahan na dahil sa pinaniniwalaang human trafficking.
Dapat anya ay nasa loob ng mga casino at hotel ang mga e-bingo station upang maiwasan ang mga iligal na aktibidad.
Magugunitang ipinasara rin ng PAGCOR ang daan-daang e-games outlet ng Philweb Corporation ng negosyanteng si Roberto Ongpin, makaraang tukuyin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang business tycoon bilang oligarko na kanyang nais sirain.
By: Drew Nacino