Inilakas ang nasa halos 200 indibidwal sa Masbate dahil sa bagyong tisoy.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng lalawigan, nagpatupad sila ng forced at pre emptive evacuation sa mga flood prone areas.
Bukod dito ay nagsagawa rin ng kanselasyon ng byahe ng eroplano at sasakyang pandagat at nagtayo na rin ng mga choke points.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagsagawa ang Masbate DRRMO ng disaster risk reduction assessment para madetermina ang mga posibleng pinsala ng bagyo sa lugar.