Nasagip ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit 200 indigenous people (IP) sa Metro Manila.
Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, na aabot sa 60 Badjao ang naiuwi na sa kanilang probinsya habang 20 pamilya ang nanunuluyan sa Jose Fabella Center, Mandaluyong.
Sinagot ng kagawaran ang transportasyon at assistance ng bawat pamilya ng IP.
Samantala, inaayos na rin ng ahensya ang pagbibigay ng kanilang birth certificates at identification cards. —sa panulat ni Jenn Patrolla