Dalawandaang (200) kabahayan ang naabo sa halos dalawang oras na sunog sa Sitio Palanas, Barangay Vasra, North Avenue sa Quezon City.
Lima ang naitalang sugatan sa sunog at kabilang dito ang isang fire volunteer.
Ayon kay Senior Supt Manuel Manuel ng District Fire Marshall, mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang barong barong o gawa sa light materials ang mga bahay sa nasabing lugar.
Umabot ng ika-limang alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula at iniimbestigahan na ang dahilan nito.
Sunog sa North Ave.cor QC Circle @dwiz882 pic.twitter.com/dTiqjBy6Vu
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) May 23, 2018
Sunog sa North Ave.cor.QC circle @dwiz882 pic.twitter.com/tMHHebsayq
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) May 23, 2018
Naalerto naman ang mga empleyado ng Department of Agriculture o DA at Sugar Regulatory Administration o SRA dahil kalapit lamang ng kanilang tanggapan ang nasusunog na residential area.
—-