Dadagdagan pa ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang kanilang ipakakalat na mga CCTV cameras sa kalakhang Maynila.
Kaugnay pa rin ito sa pagpapatupad ng no contact apprehension policy ng ahensya na layong disiplinahin ang mga pasaway na motorista sa kalsada.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, 200 mga bagong CCTV ang nakatakdang i-deliver sa mga susunod na buwan at nahahati sa dalawang batch.
Batay sa datos ng MMDA, aabot na sa 2,000 traffic violators ang kanilang nasampulan mula nang ipatupad ang bagong polisiya noong Abril.
By Jaymark Dagala