Nakatakdang ilibing sa mass grave sa Novaliches Quezon City ang tinatayang 200 nabubulok na mga bangkay na natuklasan sa isang funerarya sa La Loma Quezon City.
Patuloy pa ring pinaghahanap ang may ari ng Henry Memorial Services na nakilalang si Oscar Parales samantalang hawak na ng otoridad ang manager ng Funeraria na si Severino Mancia.
Nag ugat ang raid sa Henry Memorial Services , sa reklamo ni ginang Blangquita Angeles hinggil sa masangsang na amoy mula sa funeraria na sanhi ng pagkakasakit ng mga residente sa kapaligiran kasama ang tatlo nyang anak.
Napag alaman sa isinagawang inspection na Tatlong taon nang walang sanitation at health permits ang Henry Memorial Services.
Wala ring natagpuang death certificates para sa may 200 bangkay kayat malabong makilala pa ang mga ito at malaman kung ano ang kanilang ikinamatay.
Sinasabing ilan sa mga bangkay ang nakitaan ng palatandaan na sila ay na disect na o nagamit sa pag aaral.
Maliban sa mismong funeraria , di-nis infect rin ang mga katabing bahay ng establisimiento at nagsagawa ng misa para sa mga natagpuang bangkay.
By: Len Aguirre