Ipinaaaresto ni Martial Law Administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang may 200 pulitiko at personalidad kabilang na ang ilang opisyal ng barangay.
May kaugnayan ito sa kasong rebelyon dahil sa umano’y pagsuporta ng mga ito sa grupong Maute na nagpasiklab ng gulo sa Marawi City.
Magugunitang hawak na ng mga awtoridad ang ama ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute na si Cayamora gayundin si dating Marawi City Mayor Fajad Salic na sumusuporta umano sa grupo.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping