Nasa 200 Public Utility Vehicles na ang nasita ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT sa pilot implementation ng 70% passenger capacity rule sa Metro Manila.
Ayon kay I-ACT chief at transportation assistant-secretary for special concerns Manuel Gonzales, karamihan sa nasitang PUV ay bumibiyahe sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Kadalasan anya nilang nasisita ay mga jeep na karamiha’y punuan habang nakatayo na ang ibang pasahero ng mga bus na mahigpit ipinagbabawal simula nang payagan ang public transport.
Nilinaw naman ni Gonzales na pawang babala at paalala lamang ang ibinigay ng I-ACT sa mga nasitang PUV driver. —mula sa panulat ni Drew Nacino