Mahigit dalawang daang (200) piraso ng mga iligal na troso ang nasabat ng provincial anti-illegal logging task force ng Bulacan sa ikinasang operasyon sa Angat watershed.
Ayon kay Bro. Martin Francisco, Chairperson ng Sagip Sierra Madre Environmental Society Inc. at miyembro ng task force, isinagawa ang anti-illegal logging operation sa Mt. Balikiran na matatagpuan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad.
Natagpuan aniya sa bundok ang mga inabandonang troso na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit dalawang daang libong piso (P200,000).
Una nang ibinunyag ng mga mountaineers na dalawang dekada nang nagaganap ang illegal logging operations sa nabanggit na lugar.
—-