Mapapasakamay na ng mga benepisaryo ng Cash Subsidy Program ng gobyerno ang dagdag na 200 piso simula ngayong buwan.
Ayon sa Department of Finance, ito ay upang matulungan ang 7.4 milyong pamilyang pilipino at mga indigent senior citizen para makaagapay sa epekto ng TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.
Sinabi ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, hiwalay pa ang naturang halaga sa natatanggap na cash subsidy sa ilalim ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Tinawag itong Unconditional Cash Transfer dahil hindi gaya ng CCT program ay walang itong kaakibat na kondisyon.