Aabot sa 200 pulis ang ipapakalat ng NCRPO sa People Power Monument bukas, Sabado.
Kasunod ito nang isasagawang paghtitipon ng ibat ibang grupo sa paggunita ng EDSA People Power One.
Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde 100 pulis ang magmumula sa NCRPO Regional Public Safety Battalion habang ang iba naman ay magmumula sa QCPD Public Safety battalion.
Nais aniya nilang matiyak na magiging mapayapa ang idaraos na programa ng ibat ibang grupo kayat magpapakalat ng sapat na puwersa ng mga pulis.
Sinabi ni Albayalde na dapat ay hindi maka puwerhisyo sa daloy ng trapiko ang pagkilos ng mga nasabing grupo na pinayagang mag protesta kahit walang permit base na rin sa direktiba ng Pangulo.
By: Judith Larino