Nanganganib masibak sa serbisyo ang nasa 200 pulis dahil sa umanoy pandaraya ng mga ito sa kanilang entrance exam sa PNP.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Atty Rogelio Casurao, nadiskubre nila na pare-pareho ang mga maling sagot at tamang sagot ng mga nadadawit na pulis .
Dahil dito, nagpalabas na ng Memorandum Circular ang NAPOLCOM para ipawalang bisa ang pagka-pulis ng mga sinasabing nandaya sa entrance exam.
Bukod sa mga ito, sinabi pa ni Casurao na nanganganib din masibak ang ilan pang pulis na nadiskubre naman nilang nameke ng mga isinumiteng dokumento nang pumasok sa PNP.
Una nang sinabi ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na may problema sa sistema ng pagsasanay sa mga pumapasok sa PNP kaya nagiging tiwali ang ilan sa mga pulis.
SMR: RPE