Nasa 200 mga nagkilos-protesta ang naaresto sa nangyaring May Day riot sa Central Paris sa France.
Inilarga ng higit isang libo at dalawang daang (1,200) mga kabataan at manggagawa ang kilos protesta upang ipanawagan ang pagkontra sa bagong polisiya ni French President Emmanuel Macron na reporma sa public sector.
Dahil sa tangkang dispersal ng mga police, nagwala ang mga nagkikilos protesta kung saan pinasok ng mga ito ang isang nadaang fast food chain.
Dito ay sinira at sinilaban ng mga kabataan ang loob ng restaurant gayundin ang mga sasakyang nasa paligid nito.
—-