Inabutan na ng pag-ulan ang mga pasaherong nag hihintay ng kanilang flight sa NAIA pauwi ng probinsya.
Nasa 200 pasahero na kinabibilangan ng ilang bata ang sumilong na lamang sa ilalim ng NAIA Expressway sa Pasay nang lumakas ang ulan.
Karamihan sa kanila ay hindi na umuwi sa kanilang mga tahanan matapos makansela ang kanilang flight dahil sa pangambang walang masakyan pabalik ng naia sakaling matuloy ang kanilang biyahe.
Samantala, tiniyak naman ng Pasay City Government na nakaantabay sila sa kalagayan ng mga stranded na pasahero.
Ayon kay Adrian Martinez, focal person for locally stranded individuals and OFW’s ng Pasay, una na nilang dinala sa isang pampublikong paaralan ang mga pasahero na na-cancel ang flight at binigyan ng pagkain.
Sinabi ni Matinez na iniwan na nya sa mga nasa expressway ang kanyang telepono upang makahingi ng tulong sakaling muling makansela ang kanilang flight.