200 kaso ng tuberculosis ang naitala sa unang kwarter ng taon sa lalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay John Codilla ng Integrated Health Office ng lalawigan, natukoy ang nasabing mga kaso matapos ang isinagawang active case finding sa lugar.
Aniya, namimigay sila ngayon ng libreng gamot sa mga pasyenteng may tuberculosis.
Gayunman, sinabi ni Codilla na kinakapos sila sa supply ng ilang mga gamot.
Kaugnay nito, nanawagan sila ng tulong sa national government upang masuplayan sila ng mga gamot mula sa Maynila.