Ano ang gagawin mo kung sa isang normal na araw ay bigla ka na lamang makasalubong ng daan-daang mga unggoy katulad na lang ng nangyari sa isang probinsya sa Thailand?
Ang buong kwento, alamin.
Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkalat sa probinsya ng lopburi sa thailand ang tinatayang 200 unggoy nang bigla na lamang makawala ang mga ito mula sa kanilang kulungan.
Makikita sa video na ginapang ng napakaraming unggoy ang bakod ng kanilang kulungan kung kaya naman nakarating ang mga ito sa kalsada.
Hindi pa riyan nagtapos ang pagkakalat ng mga unggoy dahil pati ang isang police station ay hindi nila pinalampas! Pumalibot ang mga ito sa istasyon at makikitang umabot pa hanggang sa rooftop nito.
Para naman maiwasan ang pinsala na maaaring idulot ng mga unggoy, sinara na lamang ng mga pulis ang mga pinto at bintana upang mapigilan ang mga ito sa pagpasok at walang masirang mga importanteng kagamitan at records.
Gumamit na lamang daw ang mga pulis ng pagkain upang pagsama-samahin ang mga unggoy at tuluyang mahuli.
Samantala, sa isang pahayag ay sinabi ng Agence France-Presse na ang paglaki ng populasyon at tinataglay na pagka-agresibo ng mga unggoy ay matagal nang lumalaganap kung kaya naglaan ng kulungan ang mga otoridad para sa mga ito.
Ikaw, anong masasabi mo sa pambihirang kuwento na ito?