Aabot sa 2,000 balota ang kasalukuyang isinasailalim sa reprinting.
Sinabi ni Atty. Genevieve Guevarra, ang head ng printing committee ng Commission on Elections (COMELEC) pare-pareho aniyang hindi kinakain o tinatanggap ng vote counting machines o VCM ang mga nasabing balota.
Bukod dito, natuklasan din ng COMELEC na ang mga ito ay may depekto sa papel na kung saan mali ang pagkakahati at kulay ng ink.
Sa kabila nito, kampante pa rin ang ahensya at hindi nila ito nakikitang problema lalo’t mahaba pa naman anila ang kanilang panahon upang makapag-imprenta.
Samantala, tiniyak ni Guevarra na magiging maingat sila sa pag-dispose ng 2,000 depektibong balota.
By Allan Francisco (Patrol 25)