Napasakamay na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 2,000 mula sa 23,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid test kits at personal protective equipment (PPEs).
Pinangunahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang ceremonial turn over ng medical supplies sa Camp General Emilio Aguinaldo.
Ipinabatid ng PCG na ang mga nasabing test kits at PPE’s ay donasyon ni Chinese businessman Kim Wong sa National Armed Services.
Ang mga naturang test kits at PPEs ay ipapamahagi sa Philippine Army, Philippine Airforce, Philippine Navy, at V. Luna General Hospital para sa frontliners kontra COVID-19.