Bubuwagin ng Laguna lake development authority ang 2,000 ektaryang palaisdaan sa Laguna de Bay bago matapos ang taon.
Ito ang tiniyak ni Laguna lake development authority general manager Nerius Acosta bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na Apat na libong ektaryang palaisdaan ang tanggalin sa Laguna de Bay para makapangisda ang mga maliliit na mangingisda.
Sa ginanap na media briefing para sa Sibol re-greening ng Marikina watershed area ng PTT Philippines, sinabi ni acosta na may labintatlong ektaryang palaisdaan ang naitayo sa Laguna de Bay at may kapasidad lamang sa siyam na libong ektarya.
Aminado si Acosta na hindi kakayanin ng Laguna lake development authority na buwagin ang apat na libong ektaryang palaisdaan sa Laguna de Bay at posibleng abutin pa ito ng dalawa hanggang tatlong taon.
By: Avee Devierte