Patuloy na tinututukan ng Municipal Health Office ng Mariveles, Bataan Provincial Health Office at Department of Health o DOH ang nasa 2,000 mga estudyanteng nabakunahan ng dengvaxia sa lugar.
Kasunod ito ng lumabas na ulat na isang Grade 5 student mula sa Mariveles ang nasawi dahil sa blood clot at severe dengue, ilang buwan matapos ito turukan ng unang dose ng dengvaxia vaccine.
Ang sampung taong gulang na biktima na si Christine Mae de Guzman ay walang history ng dengue nang ito ay mabakunahan.
Una nang itinanggi ng DOH na may kinalaman sa dengvaxia vaccine ang ikinasawi ni De Guzman.
Samantala, sinabi naman ng Municipal Health Office ng Mariveles na bumaba ang kanilang mga naitalang kaso ng dengue matapos ang isinagawang pagpapababakuna sa may 2,000 kabataan sa lugar.
—-