Nasa 2,000 hotel rooms sa Metro Manila ang binook ng gobyerno para magamit na isolation areas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Ito, ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, ay dahil malapit nang mapuno ang mga We Heal as One Center na nasa 3,000 lamang ang kapasidad.
Sinabi ni Dizon na nakipag-ugnayan sila sa Department of Tourism para makapagbook ng hotel rooms na magagamit ng COVID-19 patiens hanggang sa gumaling sila.
Ang mga naturang hotel rooms ay inihahanda sa gitna nang pagsasagawa ng Oplan Kalinga ng gobyerno kung saan nagbabahay-bahay ang local health officials para mahanap ang mild at asymptomatic cases na dadalhin sa isolation facilities.