Sa ikalawang pagkakataon, tatangkain ng mga peacekeeper mula sa gobyerno at MILF o Moro-Islamic Liberation Front na iligtas ang natitirang dalawang libong (2,000) sibilyan na na-trap sa bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Dickson Hermoso, assistant secretary ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, prayoridad nila ang mga maysakit, sugatan, mga bata, kababaihan at mga nakatatanda.
Sinabi ni Hermoso na sisikapin nilang marating sa mga kasuluk-sulukan na lugar sa Marawi City para masagip ang mga natitira pang sibilyan.
Noong linggo, nasagip ng joint coordinating monitoring and assistance center ang 134 na sbilyan matapos ang apat (4) na oras na humanitarian ceasefire.
By Meann Tanbio | With Report from Aileen Taliping