Aabot sa 2,000 Overseas Filipino Workers (OFW)’s ang mayroong kontrata sa Hong Kong ang hindi makaalis ng bansa.
Ayon kay Alfredo Palmiery, presidente ng Society of Hong Kong Accredited Recruiters of the Philippines (SHARP), mayroong kontrata, visa at dumaan sa training ang naturang mga OFW ngunit hindi sila nabigyan ng TESDA assessment at seminar certificate ng OWWA kaya hindi makaalis.
Simula kasi aniya nuong marso ay isinara ang assessment centers at kamakailan lamang ay ginawa namang online ang OWWA seminar.
Dahil dito nangangamba ang naturang mga OFW na kanselahin ng mga employer ang kanilang kontrata lalo’t nage-expire na rin ang visa ng mga aplikante.