Balik-bansa na ang karagdagang 2,000 mga Pinoy na pawang mga repatriates sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Batay sa mga reports, nanggaling ang mga balik-bansang mga pinoy sa Bahrain, Belguim, Hong Kong, Cambodia, Malaysia, Saudi Arabia, Qatar, UAE, at Singapore.
Dahil dito, ayon sa pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA), pumalo na sa higit 100,000 ang bilang ng mga Pinoy na natulungan ng ahensya na mapauwi sa bansa.