Stranded ang nasa halos 2,000 pasahero sa mga pantalan sa Bicol dahil sa bagyong tisoy.
Ayon sa Philippine coastguard, 1936 katao ang kabuuang bilang ng mga pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan sa rehiyon.
Bukod dito, hindi rin pina-pabiyahe ang 521 rolling cargoes, 18 fishing vessel at 1 motor banca.