Aabot sa dalawanlibong (2,000) pulis ang ipinakalat ngayon ng Manila Police District o MPD sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Maynila.
Ito ay para tiyakin ang kaayusan kasabay ng mga inilargang kilos protesta ng mga manggagawa at militanteng grupo ngayong Labor Day.
Ayon kay MPD Spokesman Police Superintendent Erwin Margarejo, mahigpit ang bilin sa mga pulis na magpatupad ng maximum tolerance.
Kasabay nito, nanawagan naman ang MPD sa mga raliyista na idaos ng mapayapa ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.
“Nakiki-usap tayo sa kanila na don’t resort to violence dahil ang pagpapahayag ng ating mga karapatan na nasasaad sa ating Saligang Batas ay aming poprotektahan at rerespetuhin, ‘yan pong indication kung bakit may police presence, pero kapag nagkaroon ng violation of law, may mandato ang Kapulisan na i-maintain ang peace and order at kapag sila’y naging unruly ay wala tayong ibang alternatibo ang Kapulisan kundi sila’y arestuhin.” Pahayag ni Margarejo
(Balitang Todong Lakas Interview)