Papalo na sa 2,000 residente sa Central California ang inilikas ng mga otoridad dahil sa wildfire doon.
Ayon sa California Department of Forestry and Fire Protection, hindi na makontrol ang sunog na tumupok at sumira na sa may walong istruktura.
Mabilis na kumakalat ang apoy dahil sa mga langis at malalim na bangin.
Kasalukuyang pahirapan pa rin sa mga bumbero ang pag-apula sa apoy habang pinutol na rin ang suplay ng kuryente sa lugar.
- Ralph Obina