Nasa 2,000 trabaho kada taon ang bubuksan ng Canada para sa mga Pilipino.
Ito, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ay bunga ng nilagdaang kasunduan ng Philippine at Canadian government partikular ang ilang opisyal ng Yukon, probinsya sa Canada.
Nakausap narin ni Bello ang Pinoy community sa Canada at napag alamang masagana at masaya ang pamumuhay ng mga ito sa nasabing bansa.
Maari anyang mag apply sa mga bakanteng posisyon tulad ng heavy equipment operator, nurse, cook, chef, caregiver, engineer, call center agents at iba pa.
Aabot sa 80,000 hanggang 100,000 pesos ang posibleng maging sweldo ng mga Pinoy na matatanggap sa mga naturang trabaho.
Para sa mga interesadong aplikante, bumisita lang sa website ng Philippine Overseas Employment Administration sa www.poea.gov.ph.