Inaasahang darating ngayong linggo ang 20,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Sputnik V.
Ito ang karagdagang bakuna mula sa unang batch na 500,000 doses ng Sputnik V na darating ngayong buwan ng Abril o Mayo.
Umaasa ang bansa na 20-milyong doses ng Sputnik V ang darating na bakuna matapos nitong makatanggap ng emergency use authorization (EUA) noong Marso.
Sa ngayon, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang makakuha pa ng doses ng bakuna mula sa Sinovac at Sputnik V.
Samantala, target ng Pilipinas na mabakunahan ang 50-milyon hanggang 70-milyong mamamayan ngayong taon. —sa panulat ni Rashid Locsin