Pumalo na sa 20,000 ang bumisita sa Bagbag Public Cemetery sa Novaliches, Quezon City.
Ayon kay Bagbag Public Cemetery Administrator Gene Biglang, posibleng umakyat sa 500,000 ang dumalaw sa nasabing sementeryo.
Tuloy-tuloy naman ang ginagawang pagpapaalala ng pamunuan ng sementeryo sa mga bibisita sa yumao nilang mahal sa buhay na ‘wag magdala ng mga ipinagbabawal na gamit.
Maliban dito, mahigpit pa ring ipinatutupad ang no face mask, no entry policy sa Bagbag Police Cemetery.