Plano ng gobyerno na mamahagi ng dalawandaang libong (200,000) ektaryang lupain sa mga farmer-beneficiary ngayong taon bilang bahagi ng socioeconomic reform agenda ng peace talks sa mga rebeldeng komunista.
Aminado si Government Reciprocal Working Committee on Socio-Economic Reforms Chairman Roberto Ador na sinusubukan nilang itaas sa isang milyong ektarya ang ipamahagi sa mga benepisyaryo pero mahirap itong makamit.
Ayon kay Ador, maximum na ang 200,000 hectares dahil “limited capacity” ito Department of Agrarian Reform (DAR).
Umaasa anya ang pamahalaan na ipamahagi ang kabuuang isang milyong ektaryang farmland sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, bukod pa sa 2 million hectares ng uninstalled land.
By Drew Nacino