Mahigit 200,000 tao ang namamatay kada taon sa buong mundo dahil sa norovirus.
Tinatayang 700 milyong tao naman ang dinadapuan nito kada taon dahilan upang umakyat sa 4.2 billion dollars ang halaga ng health care.
Sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa Johns Hopkins University, umaabot sa 64 billion dollars kada taon ang nagagastos sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa naturang sakit.
Babala ni Lead Researcher Sarah Bartsch, walang pinipiling lugar, tao o edad ang norovirus dahil maging ang mga mayayaman ay tinatamaan din nito.
Isiniwalat din ng mga dalubhasa na ang sintomas ng norovirus ay ang pagkahilo, pagtatae, at pagsusuka at ang masaklap ay wala pang natutuklasang vaccine o gamot laban dito.
Matatandaang kinumpirma ng Department of Health o DOH na mayroong norovirus outbreak sa Zamboanga City matapos tumaas ang kaso ng pagdudumi sa lungsod.
Sinasabing lumitaw sa pagsusuri na may mga nag-positibo sa norovirus bagama’t hindi pa alam kung saan ito nanggaling at paano nagsimula ang outbreak sa naturang lugar.
By Jelbert Perdez