Umaabot sa mahigit dalawang daang libong (200,000) trabaho ang alok ng DOLE o Department of Labor and Employment para sa kanilang gagawing Labor Day job fairs.
Sa mahigit 200,000 trabaho, 128,445 sa mga ito ang sa ibang bansa, animnapu’t siyam na libo at siyamnaraan apatnapu’t apat (69,944) naman ang sa pribadong kumpanya at mahigit tatlong libo (3,000) ang sa mga ahensya ng pamahalaan.
Target ng job fairs ang mga bagong graduate, mga dating OFW o Overseas Filipino Workers at maging ang mga estudyanteng naghahanap ng trabaho ngayong bakasyon.
Sa isang media briefing sinabi ni Labor Undersecretary Joel Maglunsod na aabot din sa 1,138 employers ang makikibahagi sa Labor job fair na isasagawa sa 17 rehiyon sa bansa na karamihan ay sa NCR o National Capital Region.