Hindi lamang ang mga nagwaging kandidata sa Binibining Pilipinas 2018 ang nagbubunyi ngayon.
Sa ginanap na beauty pageant kagabi, inamin ng isa sa mga tumayong hurado na si 2005 Miss International Precious Lara Quigaman na siya ay nagdadalang tao sa kanilang ikalawang anak ng aktor na si Marco Alcaraz.
Hindi maitago ng dating beauty queen ang kanyang kasiyahan kung saan ibinalita nito na nakatakda siyang manganak sa Oktubre ngayong taon.
Maging ang limang taong gulang na panganay nilang anak na si noah ay super excited na rin umanong maging kuya.
Sa ngayon, ayon kay Lara ay ipinapanalangin nila na lumabas na malusog ang kanyang baby.
A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman) on