Timbog ang isang 35 anyos na lalaki matapos makuhaan ng higit 200,000 pisong halaga hinihinalang shabu sa Lungsod ng Taguig.
Sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad, nahuli ang suspek na kinilalang alyas ‘Jon-Jon’ na isang driver sa Barangay Santa Ana.
Ayon sa pulisya, kilala ang suspek bilang nagbebenta ng ilegal na droga sa mga tambay at kapwa tricycle driver sa kanilang lugar.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles