Umabot na sa 200K mga manggagawa ang nakabalik na sa kani-kanilnag mga trabaho sa ilalim ng mas pinaluwag na Alert level 2.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) USec. Ruth Castelo, nasa 20% capacity ang pinapayagan para sa mga negosyo; mula sa 30% ay itinaas naman sa 50% ang pinayagan sa indoor establishments; at mula sa 50% ay itinaas naman sa sa 70% ang outdoor establishments.
Sinabi ni Castelo na base sa datos ng National Economic and Development Authority (NEDA), may 15K na manggagawa ang inaasahang magbabalik sa trabaho sa weekly basis.
Sa naging datos naman ng Philippine Statistics Authority (PSA), 3.16M Pilipino ang walang trabaho noong November 2021. —sa panulat ni Angelica Doctolero