Bukod sa ilang bilyong investment pledges, nakapag-uwi rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng higit 200,000 job opportunities para sa mga Pilipino mula sa kanyang official foreign trips simula noong huling quarter ng 2022 hanggang 2023.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nakapaglikha ng 7,100 job opportunities ang pagbisita ni Pangulong Marcos noong nakaraang taon sa Indonesia; higit 14,930 sa Singapore; at 98,000 sa New York, USA.
Nakapag-uwi rin ang Pangulo ng higit 5,500 na trabaho mula sa kanyang pagbisita sa Thailand; 6,480 mula sa Belgium; at 730 mula sa Netherlands.
Para naman sa taong 2023, nakapagbigay ng higit 32,700 na trabaho ang official visit ni Pangulong Marcos sa China; 24,000 sa Japan; higit 6,380 sa Washington, D.C.; at 8,365 sa Malaysia.
Bukod pa rito, mayroon ding makukuha ang mga Pinoy na 450 job opportunities mula sa Singapore; 2,550 mula sa Amerika; at 15,750 mula sa kanyang pinakahuling pagbisita sa Japan.
Samantala, inihayag ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go na na-actualize na ang P169 billion worth of investment pledges na nakuha ni Pangulong Marcos mula sa Japan na makapagbibigay naman ng ilang libong trabaho sa mga Pilipino.