Aabot sa 200,000 National ID cards ang naipadala na sa Filipino citizens ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni Deputy National Statistician Rosalinda Bautista, mayroon pang karagdagang 200,00 ID cards ang nakatakda namang i-deliver.
Sa ngayon aniya ay nasa 35 milyong Pinoy ang nakakumpleto na ng step 1 ng registration process sa pamamagitan ng house-to-house at philsys website.
Nasa 12 milyong Filipino naman ang nakatapos na ng step 2 o pangongolekta ng biometric information.
Kaugnay nito, nagpaalala si Bautista na hindi kailangang kunin ang National ID sa mga post office dahil batay sa kanilang kontrata, nakasaad na ito ay ide-deliver sa bahay-bahay.
Maliban dito, pinaalala rin ni bautista sa mga nakakuha na ng kanilang ID na huwag na itong i-post sa social media upang maingatan ang mga personal nilang impormasyon.