Nagpalabas ng P200,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City.
Ito’y para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon at tuluyang ma-aresto ang suspek na nasa likod ng pagsabog ng isang bus nitong Biyernes.
Ayon kay Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco, maituturing na act of injustice o gawain ng kawalan ng hustisya ang nasabing pag-atake dahil sa maraming inosenteng buhay ang nadamay.
1 dalagita ang nasawi habang 33 ang sugatan sa insidente kabilang na ang isang taong gulang na bata at mga babae.
By: Jaymark Dagala